34

Oct 28, 2021 @ 16:47
By

Buwis na ibinayad ng mga Pharmally exec ibinunyag ni Drilon

Bukod kina dating economic adviser at dating Budget Undersecretary Christopher Lao, isiniwalat din ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ibinayad na income tax ng mga opisyal ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corp., ang kumpanyang nakakuha ng P8.6 bilyong kontrata sa gobyerno para sa COVID-19 medical supply.

Sa iprinisentang dokumento ni Drilon, sinabi nitong walang impormasyon ng income tax return si Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani para taong 2018.

Ang taxable income ni Mohit para sa taong 2019 at 2020 at parehong unreadable subalit nagbayad ng P22,062 at P97,241, ayon pagka-sunod-sunod.

Ang kapatid ni Mohit na si Pharmally president Twinkle Dargani ay nagbayad ng kanyang ITR noon sa halagang P29,187 at P1,000 lamang noong 2020.

Ang taxable income ni Twinkle para sa taong 2018 at 2020 ay parehong unreadable habang wala namang impormasyon sa kanyang ITR noong 2019.

Si Huang Tzu Yen, ang incorporator ng Pharmally ay walang ITR records sa BIR.

Noong 2020, ang Pharmally sa kanilang financial statement, ay sinabing may tax credit na P96,089,293. May tax due ito na P589,163.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?