7

Mar 4, 2021 @ 19:10
By

Buwis mula sa POGO bumagsak ng halos 69% – BIR

Bumaba ng 68.63 porsiyento ang buwis na kinokolekta mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operator o POGO ngayong Enero 2021 kumpara sa katulad ding buwan noong nagdaang taon dahil sa pag-alis ng mga Chinese sa isyu ng buwis at pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Sa pagdinig ng Senate committee on ways and means, sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, na P327 milyon lamang ang nakolektang buwis nitong Enero ng taong ito kumpara sa P1.43 bilyon ng katulad ding buwan noong 2020.

“So there was a decrease of P715 million or a decrease of 68.63 percent,” pahayag ni Guballa sa padinig tungkol sa buwis ng POGO.

Batay sa koleksiyon nitong Enero, sinabi ni Guballa na inaasahan nilang makakakolekta ang gobyerno ng P3.92 bilyon mula sa POGO ngayong taong ito.

“The total projection for POGO revenues for taxable year 2021 is P3.92 billion based on the January voluntary payments that they have made,” ayon kay Guballa.

“The amount is based on the January actual collection multiplied by 12 months. This is just an estimate,” paliwanag nito.

Sinabi pa ni Guballa na umabot sa P7.1 bilyon ang tax collection ng ahensiya mula sa POGO noong 2020 na P752 milyon o 11.7 porsiyentong mas mataas sa P6.4 bilyon noong 2019.

Noong Mayo 2020, naglabas ang BIR na panuntunan kung inoobliga ang mga POGO at service provider na magbayad ng kanilang buwis bago magpatuloy ng operasyon.

Subalit may ilang POGO sa labas ng Pilipinas ang kumontra sa limang porsiyentong franchise tax na ayon sa kanila’y sakop lang ang mga operator na nasa Pilipinas.

Subalit iginiit ng BIR na noong 2017 pa nila pinapatupad ang franchise tax sa lahat ng POGO, dito man o sa abroad, kaya’t ilan sa mga ito ay umalis sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?