78

May 11, 2021 @ 9:11
By

Buwis buhay! Construction worker bumaba ng MRT riles para sa selfie

Kakaiba ang trip ng isang lalaki matapos nitong babain ang riles ng MRT-3 para lang sa selfie.

Sa pahayag ng pamunuan ng MRT-3, huli sa CCTV camera ang ginawa ng kelot kung saan umupo pa ito sa riles para mag-posing habang kumukuha ng selfie ang kasama nito.

Kinilala ang pasahero na si Jerald Oliva, 22, construction worker, habang ang nag-selfie naman ay si Rey Llasos, 28, tricycle driver.

Kaagad namang sinita ng mga guwardiya ang dalawang lalaki.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Revised Penal Code Article 155 o Alarms and Scandal ang dalawang lalaki, at dinala na sa Quezon City Police District – Kamuning Police Station para ma-inquest.

Personal na kinausap ni MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard Eje ang dalawang suspek para mapangaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?