18

Feb 16, 2021 @ 14:59
By

Buwelta ni Galvez kay Leachon: Mahirap kasama ‘yan!

Napundi na si vaccine czar Secretary Carlito Galvez kay Dr. Tony Leachon dahil sa walang tigil na pamumuna at pagkuwestiyon sa mga ginagawa ng gobyerno para tugunan ang problema sa COVID-19.

Ito ay matapos hilingin ni Leachon na buwagin na ang Inter-Agency Task Force dahil wala umanong scientific basis ang mga desisyong ipinapalabas ng mga ito.

Sinabi ni Galvez sa press briefing sa Davao City na walang word of honor at mahirap kasama si Leachon noong nasa National Task Force (NTF) pa ito kaya siya tinanggal.

Bukod dito sinabi ni Galvez na hindi pinagbuti ni Leachon ang kanyang trabaho at mas nangibabaw ang kanyang motibo at ambisyong maging Health secretary.

“Ang advise ko lang kay Dr. Leachon, hindi mo pinagbuti ang trabaho mo sa NTF at saka nakita natin na mayroon kang ulterior motive kaya tinanggal ho namin kayo. ‘Yun pa lang nakita natin na si Dr. Leachon po ay talaga pong walang word of honor ‘yan, ang hirap makasama,” ani Galvez.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na bistado na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Leachon kaya ito nagsa-sourgraping laban sa gobyerno matapos hindi maitalagang Health secretary.

“Sir the President has addressed your views, you’re sourgraping because he did not appoint you as Secretary of Health. Pasensiyahan na lang po,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?