687

May 16, 2019 @ 18:33
By

‘Buwan’ ni JK Labajo, tinanghal na ‘Song of the Year’

Ang patok na kantang “Buwan” ng Cebuano singer na si Juan Karlos Labajo ang nagwaging Song of the Year sa MYX Music Awards 2019 na ginanap noong May 15.

“#MYXMusicAwards2019 Song of the Year: “Buwan” by Juan Karlos,” saad sa post ng MYX sa Instagram

Tinalo ng “Buwan” ang “Kathang Isip” ng Ben&Ben, “Mundo” ng IV of Spades, “Nadarang” ni Shanti Dope at “Tagpuan” ni Moira dela Torre.

Hindi man nakadalo si Labajo sa awards night, nirepost naman nito ang post ng MYX sa kaniyang Instagram account at nagpasalamat.

“Okay pa itsura ko dito sa pic na to ngayon mukha nang ewan nako baka mawalan ako ng career sa pinas mahirap maging successful dito ang mga pangit hahaha thanks @myxph and mas maraming salamat din sa mga nag vote PS: sensiya na @myxph di ako nakapunta may kailangan akong alagaan na may sakit,” ani Labajo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?