8
views

By

Butsog na mga bata tinututukan sa Makati

Sharing is caring!

NAALARMA si Makati City Mayor Abby Binay sa lumulubong bilang ng mga bata sa lungsod na sobra-sobra ang timbang.

Ayon kay Binay marami sa mga overweight na bata ay mga nasa pre-schools.

Ito aniya ang nagtulak sa kanila para ilunsad ang Homemakers and Wellness Kiddie Class para maturuan ang mga magulang sa pagluluto at paghahanda ng mga tamang pagkain para sa kanilang mga anak.

Sinabi nito na dapat din ikabahala ang isyu ng overnutrion hindi lang ang malnutrition.

Dapat aniya ay maalis na ang paniniwala na malusog ang mga batang matataba sa katuwiran na nagtuturo ito maling eating habits sa mga magulang at bata.

“Overweight children can develop diseases at an early age and we parents must do something about this. Our focus should be health first,” aniya.

Sa inilabas na datos ng Makati Health Department, noong 2017 may 1,574 overweight pre schoolers sa lungsod mula sa bilang na 1,254 noong 2016. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?