chess2
By

Buto, Fajardo markado

Sharing is caring!

Markado sina Philippine chess wizard Al-Basher “Basty” Buto at John Fajardo sa magaganap na 1st Don Casiguran and Friends Chess Cup ngayong araw sa Senate Covered Court sa Barangay 173, North Caloocan, Caloocan City.

Subalit inaasahang mapapalaban sila ng todo sa mga ibang woodpusher na kasali.

Ang ibang mga kalahok ay sina Phil Martin Casiguran, Jojo Salamanes at Michael Dahino sa one-day event kung saan ang punong-abala ay si sportsman Don Casiguran na suportado ng Kaizen Leche Flan.

Nakalaan ang cash prizes sa mga titmbang sa nasabing tournament na suportado nina barangay kagawad Pel Balubar, Vicky Dahino, Ebot delos Santos, Bong Duenas at Sonny Calaguing.

Tatanggap ng P2,000 plus trophy ang magkakampeon habang P1,000 plus trophy naman ang nakalaan sa runner-up place.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?