49
ABANTE butler blazer timberwolves nba
Jan 15, 2018 @ 19:18

Butler susi ng T-Wolves sa pag-alpas sa Blazers

Umiskor ni Jimmy Butler ng 24 points, nagdagdag si Jeff Teague ng 22, at nilapa ng Minnesota Timberwolves ang bumisitang Portland Trail Blazers, 120-103, nitong Linggo (Lunes, Manila time).

Tumapos din si Karl-Anthony Towns ng 20 points at 11 rebounds para sa T-Wolves, hindi natalo sa limang sunod na laro sa sariling lungga.

Ilan sa biktima ng T-Wolves sa five-game homestand ang playoff contenders Cleveland, New Orleans at Oklahoma City.

Ito ang unang 5-0 win ng Minnesota sa sariling teritoryo sapul noong 2001.

Lumayo ng hanggang 26 ang Wolves para ipatikim sa Blazers ang pangatlong sunod na semplang.

May 21 points si Damian Lillard, tig-18 sina CJ McCollum at Pat Connaughton sa Portland.

Umabante ng lima ang Portland sa kaagahan ng laro at natapos ang first quarter na nasa unahan, 33-31.

Nanlamig sa second ang Blazers, nagkasya lang sa 10 points sa period at nagsimulang kumalas ang Minnesota.

Ilang beses pinamigay ni Lillard ang bola, nasa pangalan niya ang anim sa 18 total turnovers ng Portland.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?