8

Oct 20, 2020 @ 17:08
By

Butler nagbasketbol sa gitna ng dagat

Agaw-eksena ngayon sa social media si Miami Heat star Jimmy Butler matapos mag-post ng pasabog na litrato.

Sa Instagram story ng 31-anyos na basketbolista ay ipinasilip nito ang pagsu-shooting sa yate habang suot ang pirmadong jersey ni retired NBA player at Miami Heat legend Dwyane Wade.

Kahit umaandar at nasa gitna ng karagatan ang pribadong yate ni 6-foot-7 small forward ‘Jimmy Buckets’ ay wapakels ito at animo’y naglalaro lang sa normal na basketball court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?