11

Sep 28, 2020 @ 20:10
By

Butler hindi aatras kina James, Davis

Batid ni All-Star swingman Jimmy Butler na kailangang harapin at lagpasan ng Miami Heat ang koponan ng Los Angeles Lakers na pamumunuan ni superstar LeBron James upang masungkit ang kampeonato ng 74th National basketball Association (NBA).

Wagi nitong Lunes (Manila time) ang Heat sa Game 6 Eastern Conference Finals 125-113 laban sa Boston Celtics para maka-abante sa league Finals.

Ito ang unang pagkakataong na makakatapak sa Finals ang 31-year-old cager na makakatapat si 10-time finalist LeBron.

“The main key, and it’s been like this for a very long time, if you want to win, you’re going to have to go through a LeBron James-led team,” paliwanag ni Butler, may 22 points, walong assist sa laban.

“At the end of the day, that’s what it normally comes down to, and that’s what we got to focus in on. Honestly, we can’t just focus in on him because he has so many really good players around him. But you’re going to get the same test over and over again until you pass it. That test is LeBron James,” panapos niyang giit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?