136

Mar 2, 2020 @ 12:48
By

Buti pa Singapore! Mga PAL employee nagpatama kay Lucio Tan

Ngayong nagigipit dahil sa coronavirus outbreak, pinuri ang pamunuan ng isang airline na piniling sagipin ang mga kawani, habang binatikos ang isa na nagdesisyong tanggalin ang daan-daan nitong empleyado.

“In Singapore Airlines (SQ) the airline executives and managers do the sacrifices by having pay cuts, in Cathay Pacific (CX) it is leave without pay of staff while in PAL, the workers suffer retrenchment or separation from the company,” hayag ng Philippine Airlines Employees’ Association – (PALEA-ITF) sa Facebook kahapon, Marso 1, 2020.

“It pains that workers’ (sic) become the sacrificial lamb during crisis?,” wika pa nito.

Kaugnay ito ng desisyon ng Singapore Airlines na kaltasan ang sahod ng mga boss, bilang sakripisyo sa gastos dahil sa COVID-19 crisis.

Simula kahapon, Marso 1, 2020, may 15% pay cut si Singapore Airlines CEO Goh Choon Phong at ang kanyang board of directors; 12% sa executive vice presidents; at 10% kaltas sa senior vice presidents.

Samantala, may 7% pay cut naman ang divisional presidents simula Abril 1 habang 5% pay cut naman ang tatama sa senior managers ng airline mula Mayo 1.

Kaiba ito sa desisyon ni bilyonaryo Lucio Tan nitong Sabado, Pebrero 29, na sibakin ang nasa 300 empleyado ng PAL dahil aniya sa gastos ng kompanya sa coronavirus outbreak at sa naging lugi nito noong taong 2019.

Giit naman ng labor group na Defend Jobs Philippines, palusot lang ang COVID-19 loss dahil end of contract scheme at pagpapahina ng unyon ng PAL ang tunay na mga rason kaya nagtanggal ng mga empleyado si Tan.

https://www.facebook.com/PALunion1946/posts/2890214547700197?__xts__%5B0%5D=68.ARAbjKi25TNJ_BCPbDnOfjSuC1C5aDfOuxKexHA6c_V2BT8t9kykmDfAVKTPXUeO5j6VtISyqOyrc-LBkC9g3jyi8-18VwpQrLhgqhYo_P3MpJOZ2m5Z8a-_wGSG0p66b5m2oGYRTNGk7YAaprfnh3a4WqT7xuYLzTyjUdAOohL4eb1rGKjOe35Bo5kExEKtZzfLCeE0LShvlIIxqTRvx2hF79UL0tVfA5ZIKox2hnqekKnvCpCyM1jHAECYtSyCwvzzL3LY-fTG5J3vrQ6YNH7YQfKX-M8FaserT4-giw5nGiSqUhECWu0hrOaxEbTB4JNI9SaNoy1sa_SSd-hFtzXK7A&__tn__=-R

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?