663

Apr 12, 2020 @ 13:40
By

Buti pa sa Canada! Rex Intal pinatamaan si Duterte sa sobrang gabi na speech

Klarong hindi nagustuhan ng dating Ateneo skipper na si Rex Intal ang pag-ere ng gabi ng national address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang tweet, pinuri ni Intal ang prime minister ng Canada na si Justin Trudeau na base sa isang netizen, ay nagbibigay ng talumpati bandang aas-11 ng tanghali, para masigurong maraming gising at makapakinig sa kanya.

“Ours kasi have “better things to do in the morning” kaya 1am ina-air ung speech,” patama ni Intal sa Pangulo.

Sinagot naman ni Rex ang isang netizen na sinabing sana’y mag-resign na ang Pangulo para siya ang pumalit.

“Sana mamulat ka para ikaw naman,” giit ng volleyball star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?