16

Jul 20, 2021 @ 17:25
By

Buti may helmet! Ray Allen sumemplang sa bike

Laking pasasalamat ni former NBA star Ray Allen na suot niya ang helmet nang siya ay naaksidente noong Linggo habang nagbibisikleta.

Binahagi ni Allen ang pangyayari sa kanyang Instagram post.

Kwento ng Hall of Famer, mabilis ang kanyang takbo habang nagbibiskleta at tiningnan niyang saglit ang sasakyan sa kanyang likuran, at laking gulat na lamang niya nang pagharap niya ay may isang sanga ng puno sa kalsada na hindi na niya naiwasan.

“I ran over a tree branch that was in the road and my front wheel went haywire and threw me from the bike. I landed on my face, shoulder and hip. i got up immediately and walked about 100 yards back to my house in shock. When I got into the house I lost my breath and almost passed out,” saad sa post ni Allen.

Naisugod naman siya sa pagamutan kung saan nagnegatibo sa mga examination.

Ayon pa sa kanya, kung hindi niya suot ang kanyang bike helmet ay mas malala pa ang kanyang kinahinatnan.

“My helmet saved me from a far worse fate. I didn’t want to post this at first because no one wants to show their missteps in life, but as you get older, you learn that life isn’t always about being cool or perfect. It is ok to be vulnerable! More importantly, I had to post this as a reminder for everyone to please wear your helmets when you ride,” aniya.

Nitong Martes, Hulyo 20 ay ang ika-46 kaarawan ni Allen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,