28

Sep 13, 2021 @ 17:22
By

Butanding bumulaga sa Quezon

Isang butanding ang aksidenteng nalambat ng mga mangangisda sa Barangay Angeles, Atimonan sa Quezon.

Ayon sa ulat ng GMA News, pinagpiyestahan agad ito ng mga nakakitang residente at ang ilan ay sinakyan pa umano ang butanding.

Anang Sangguniang Kabataan chairman ng nasabing barangay, nagtulong-tulong ang mga mangingsida na matanggal ang lambat dito at itinaboy rin papunta sa malalim na bahagi ng dagat.

Batay sa report, tinatayang nasa anim hanggang pitong metro ang haba nito.

Ayon sa mga eksperto, magandang sensyales ang pagdayo ng butanding sa kanilang dagat dahil nangangahulugan ito na mayroong malinis at maayos na marine biodervisity ang kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?