336

Busy sa sugal, pagtoma: 4 pulis dampot

Huli sa akto ang apat na pulis sa pagsusugal at pagtagay sa pampublikong lugar sa Bagong Lipunan, Cubao, Quezon City.

Naispatan sina Staff Sergeant Erwin Gobis , Senior Master Sergeant Demetrio Laroya at Corporal Ariel Pasion mula sa PNP Health Service at Staff Sergeant Gerry Ocampo mula naman sa PNP Crime Laboratory at kaagad dinampot ng awtoridad.

Nakuha ng mga pulis ang perang nagkakahalaga ng nasa P14K, dalawang TV na gamit sa online gambling, isang video recorder, betting ticket, ilang bote ng wine at HD digital box.

Nasa kustodiya na ng PNP-IMEG ang mga pulis na nahuli at tinitingnan pa ang posibleng parusa sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?