93

Jan 15, 2021 @ 18:31
By

Business partner ni Toni Gonzaga pinakakasuhan sa BI

Hinimok ng isang non-profit advocacy group ang Bureau of Immigration (BI) na magpasimuno sa pagsasampa ng kaso laban sa isang vlogger at kasalo sa negosyo ng aktres na si Toni Gonzaga.

Ayon sa grupong Action for Consumerism and Transparency in Nation-Building (ACTION), dahil iyon sa pagbebenta diumano ng vlogger ng cosmetic product na nadiskubreng hindi awtorisado ng Food and Drug Administration (FDA).

Anila, sumulat na sila kamakailan sa National Bureau of Investigation at FDA upang magpahayag ng pagkaalarma sa talamak na bentahan ng gamot at mga cosmetic product na hindi sertipikado ng FDA.

“One company which the FDA should go after is TGWW (Toni Gonzaga, Winnie Wong) Everyday Lifestyle Corporation, which is partially owned and operated by a Taiwan passport holder, Winnie Wong, whose real name is Yun-I Wang,” anang secretary-general ng ACTION na si Vito Gaspar Enrico Silo sa January 14 letter kay BI Board of Special Inquiry Head Atty. Ronaldo Ledesma.

Nauna nang binalaan ng FDA ang publiko laban sa paggamit at pagbili ng POUF! Everyday Cologne Spray na ibinebenta online ng kompanya nina Wong at Gonzaga dahil sa kawalan ng lisensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?