71

Jan 20, 2020 @ 14:33
By

Business as usual na: Tagaytay hindi tatalima sa utos ng DILG

Inihayag ni Cavite Rep. Abraham Bambol Tolentino na hindi tatanggapin ng Tagaytay City ang memorandum ng Department of Interior and Local Government (DILG) na panatilihing sarado ang mga business establishment na apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.

Sabi ni Tolentino sa ABS-CBN News, ituturing lang nilang rekomendasyon ang memo ng DILG dahil batay sa Local Government Code at RA 10121, nasa alkalde pa rin ang kapangyarihang magdesisyon tungkol sa ganoong bagay.

Kaya tuloy ang mga negosyo sa Tagaytay dahil tinanggal na rin aniya ng Phivolcs ang panganib sa nasabing lungsod.

“Under Local Government Code still the mayor for efficient, effective and economical governance during and in the aftermath of disaster,” paliwanag ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?