148
Bus sumalpok sa bahay; 1 patay
Jul 17, 2019 @ 15:14
By

Bus sumalpok sa bahay; 1 patay

Nasawi ang isang ginang habang sugatan ang dalawang iba pa nang salpukin ng pampasaherong bus ng Peñafrancia Tours ang bahay ng una na nasa gilid ng Maharlika Highway sa Basud, Camarines Norte, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat, binabagtas ng Peñafrancia Bus ang Maharlika Highway mula sa Naga City patungo sa Daet, Camarimes Norte dakong alas-11:00 ng umaga nang bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa pakurbang bahagi ng highway.

Bumangga ang bus sa mismong bahay ng namatay na si Eleonor Corea habang sugatan naman ang driver ng bus na si Cyrus Hernandez at isa sa mga pasahero na inaalam pa ang pangalan.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?