80

By

Bus sinilaban ng NPA sa Zamboanga del Norte

Isang pampasaherong bus ang sinunog ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Pucay, Salug, Zamboanga del Norte, Martes ng gabi.

Ayon sa report, patungo sana ang driver na si Deonilo Bucan at tatlo nitong sakay sa Salug para maghatid ng supplies nang harangin sila ng limang armadong lalaki.

May laman umanong de-lata, bigas at gasolina ang bus.

Isa sa suspek ang nagbuhos ng gasolina sa bus bago ito sinindihan.

Nasa P420,000 umano ang kabuuang halaga ng nasunog na supplies at sasakyan.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?