8

Jul 27, 2020 @ 17:09
By

Bus sinalpok mga concrete barrier sa EDSA

Viral sa social media ang isang bus na nakunan ng dash cam video nang salpukin ang ilang concrete barrier sa EDSA nitong Lunes ng umaga.

Sa video na binahagi sa Facebook ni Koji Tibay, dumaan sa bus way ang bus nang tamaan ang mga harang sa EDSA, na tumilapon sa outer lane.

“Mapapamura ka naman talaga. Ngayong umaga lang po ito,” ani Tibay sa post.

Makikita na huminto muna ang uploader para makaiwas na tamaan ng tumalsik na concrete barrier.

Samantala, hindi pa tukoy ni Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago ang bus operator ng sangkot na bus at kasalukuyan pa lang silang nakikipag-ugnayan sa uploader.

https://www.facebook.com/visor.ph/videos/3110661942351179/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?