bus-operators-ltfrb
By

Bus operators, humirit na rin ng fare hike

Sharing is caring!

Naghain na rin ng fare hike petition ang hanay ng mga bus operator kanina sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa pitong-pahinang petisyon ng Southern Luzon Bus Operators Association, Nagkakaisang Samahan ng Nangagasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas at Samahang Bus Transport Operators ng Pilipinas, humihingi ito ng P3.30 na fare hike sa mga non-airconditioned bus o magiging P13.30 mula sa dating P10 minimum fare habang P2.45 dagdag sa bawat kilometro.

Sa mga air-conditioned bus, umaapela ang mga city at provincial buses operator na gawing P15.95 ang minimum fare mula sa dating P12 at dagdag na P2.95 sa bawat kilometro.

Ang mga ordinary provincial bus driver ay humihingi naman na gawing P11.95 ang minimum fare mula sa siyam na piso sa ordinary bus at dagdag na P2.15 kada kilometro.

Sa kanilang petisyon, iginiit ng mga bus operator na kailangan na ang dagdag na pasahe dahil na rin sa tindi ng epekto ng TRAIN Law at mas mataas na presyo ng spare parts.

Maliban sa fare hike petition ay naghain din ang grupo ng provisional fare increase kung saan umaapela ito sa LTFRB na magtakda ng paunang dagdag sa pasahe na maaari nang ipatupad habang dinidinig pa ang kanilang petisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?