abante bus pasahe

Bus operators, hihirit na rin ng dagdag-pasahe

Sharing is caring!

Matapos mag-file ng ilang grupo ng transportasyon, balak na ring sumunod ng mga city bus operators para hilingin ang dagdag-pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Samahang Transport Operator Pilipinas managing director Juliet de Jesus sa UNTV, kanila nang pinag-aaralan at kinukuwenta ang dagdag-pasahe na ihihirit sa LTFRB.

Bilang paghahanda na rin umano ito sa magagastos nila sa planong modernization program ng gobyerno sa public utility buses maliban pa sa inaasahang pagtaas ng P2.80 sa presyo ng krudo dahil sa TRAIN law.

Huling nag-implementa ang LTFRB ng dagdag P1 sa pasahe sa mga bus sa lungsod noong 2011.

Kasalukuyang nasa P10 ang minimum fare sa ordinaryong bus habang P12 sa air-conditioned.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?