31

By

Bus nahulog sa sapa, 20 sugatan

Sharing is caring!

Dumausdos sa sapa ang isang pampasaherong bus sa Barangay Kawit Oriental, Kauswagan, Lanao del Norte nitong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat, patungo ng Lanao del Norte ang Rural Transit Mindanao bus bandang alas-kuwatro ng hapon nang mawalan umano ng kontrol ang tsuper nito.

Batay umano sa mga nakasaksi, mabilis ang pagpapatakbo ng driver nang makarating ito sa pa-kurbang bahagi ng daan kaya nagtuloy-tuloy ito sa sapa.

Nasa 25 hanggang 30 pasahero umano ang nagtamo ng minor injuries na dinala na sa kalapit na ospital kasama ang driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }