110

By

Bus nahulog sa malalim na kanal; 2 patay, 23 ang sugatan

Sharing is caring!

Nasawi ang dalawang estudyante habang sugatan ang 23 pa matapos na mahulog sa malalim na kanal ang isang bus sa Sitio Bunga, Brgy. Nicolas, Magsaysay, Occidental Mindoro noong Sabado ng gabi .

Ayon kay Philippine National Police MIMAROPA Spokesperson Supt Imelda Tolentino alas-6:30 nang mangyari ang aksidente.

Sakay ng bus na may plate number na RNJ 324 ang 44 student delegation mula Rizal University System, Morong, Rizal na patungo sa gaganaping Southern Tagalog Regional Association State Colleges and Universities (STRASUC) Olympics sa San Jose, Occidental Mindoro.

Nakasunod ang kanilang sasakyan sa isang coaster van na may plate number SAA 8392 at sakay ang 19 pang delegation.

Pero pagsapit sa may bahagi ng Sitio Bunga, Brgy. Nicholas, Magsaysay Occidental Mindoro, biglang nawalan ng kontrol ang drayber sa manibela dahilan para mabundol ang nasa unahang sasakyan.

Doon na kinabig ng driver ng bus ang manibela pakaliwa hanggang mahulog sa malalalim na kanila sa tabi ng kalsada.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa aksidente at isinugod sa ospital ang mga sugatang estudyante. Dalawa sa kanila ang namatay matapos magtapo ng matinding sugat sa ulo.

Sa ngayon 15 pa 23 sugatan ang nanatili sa San Jose District Hospital at nagpapatuloy ang imbestigasyok sa aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?