97

Oct 2, 2017 @ 11:59

Bus nahulog sa Alabang viaduct, 39 sugatan

Umabit sa 39 katao ang nasugtan nang mahulog ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa Alabang viaduct sa Muntinlupa City noong Linggo ng gabi.

Sa 39 na isinugod sa Ospital ng Muntinlupa at Asian Medical Center, 16 na lang ang nananatili sa ospital.

Inasikaso naman ng mga kinatawan ng Cher Bus Co., ang lahat ng mga pangangailangan ng mga pasahero maging ng mga kaanak nila na napasugod sa dalawang ospital.

Base sa ulat, paluwas ng EDSA ang Cher bus na may plakang TYW 504 ala-6:10 ng gabi at paakyat na ito ng viaduct nang kumabig sa kanan at nahulog sa service road.

Sinabi ng driver na si Deo Corpuz na nawalan siya ng kontrol sa manibela ng malaman na walang preno ang bus.
Siya ay nasa kustodiya na ngayon ng PNP Highway Patrol Group sa Calamba City.

Sinabi naman ng mga pasahero na bago ang aksidente may malakas na tunog silang narinig mula sa ilalim ng bus. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?