51

By

Bus nagliyab sa Alabang viaduct

Hinihinalang electrical system ang -ugat ang sunog na tumupok sa bahagi ng airconditioned bus sa ibabaw ng Alabang viaduct sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Sinabi ng driver na si Jorallie Quijado bagong gawa ang alternator ng minamaneho niyang JAC Liner bus (UYE 991) at tanging ang likurang bahagi lang ng sasakyan ang nasunog.

Ayon kay Babsie Aragon, tagapagsalita ng SLEX-Mates, alas-10:07 nang unang mapansin ang apoy sa likurang bahagi ng bus.

Agad naman nakababa ang mga sakay at rumesponde ang firetruck ng Skyway-SOMCO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?