34

Oct 11, 2021 @ 19:15
By

Bus nagliyab, mga pasahero ligtas

Biglang nagliyab sa gitna ng biyahe ang isang pampasaherong bus habang sakay ang 20 pasahero ngayong Lunes sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa ulat, biyaheng General Santos City ang bus na pagmamay-ari ng Biocrest Multi-purpose Cooperative.

Binabaybay umano nito ang national highway sa Barangay Kurintem nang magliyab dakong alas-2:00 p.m. ng hapon.

“I smelled something burning, like plastic. Then I saw thick smoke at the rear part of the air-conditioned bus,” pahayag ng isa sa mga pasahero.“All of us, including the driver and conductor, are safe.”

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy, na nagsimula umano sa likurang bahagi ng bus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?