78
4 na sasakyan nagkarambola sa NLEX
Jul 6, 2020 @ 18:26

Bus na sakay 21 stranded, nahulog sa bangin

Isang bus na lulan ang 21 pasaherong Locally Stranded Individuals (LSI) at dalawang drayber ang nahulog sa bangin habang bumibiyahe ito sa kahabaan ng bayan ng Sta. Rita, Samar, Lunes ng madaling-araw.

Ayon kay Police Col Andre Dizon, Provincial Director ng Samar Police Provincial Office (PPO), ang mga pasaherong LSI ay patungo sana ng Mindanao na nagmula sa Metro Manila lulan ng Partas bus sa programang Hatid Tulong ng Office of the President, ng maganap ang aksidente sa Sitio Cantaba, Barangay Caticugan ng nabanggit na bayan dakong alas-3 ng madaling-araw.

Napag-alaman na nawala sa giya ang drayber ng bus pagdating sa pakurbang parte ng kalsada dahilan upang matumbok ang isang bahay at linya ng isang telecommunication company bago nahulog sa bangin.

Suwerte namang may kababawan ang bangin na kinahulugan ng bus kaya walang nasugatan o nasawi sa mga pasahero habang wala ding sugatan sa bahay na nabangga ng bus.

Naghintay lang ng ilang oras ang mga pasahero bago mailipat sa ibang bus at nagtuloy na sila ng biyahe patungo sa kanilang pupuntahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?