48

By

Bus na pa-probinsiya lilimitahan na sa EDSA Cubao-Pasay

Sharing is caring!

Hindi na papayagang makadaan ang provincial buses sa bahagi ng EDSA mula Cubao sa Quezon City hanggang Pasay tuwing rush hours mula Hulyo 15.

Ayon sa anunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), parehong bawal nang dumaan ang northbound at southbound provincial buses sa nabanggit na lugar.

Sisimulan ang implementasyon nito mula alas-singko ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng umaga at mula alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Ito umano ay para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa mga pagsasaayos sa kalsada.

Kabilang sa road repairs ang drainage enhancement project ng North Luzon Expressway (NLEX) mula A. Bonifacio simula Hulyo 1 at ang pagtatayo ng elevated guideway para sa Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) sa North Avenue na sisimulan naman sa Hulyo 2. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?