339

Feb 21, 2020 @ 18:09
By

Bus na may sakay na mga evacuee mula sa China pinagbabato

Inatake ng mga protester ang mga bus na may sakay na mga evacuee mula sa Wuhan, China.

Pinagbabato ang mga bus habang dinadala ang mga China evacuee sa isang health spa sa Novi Sanzhary sa central Poltava region, Ukraine, ayon sa Sky News.

Isasailalim ang mga ito sa 14-araw na quarantine.

Nakiusap naman si President Volodymyr Zelensky sa mga protester na magpakita ng empathy sa mga evacuee.

Isang pekeng email kasi ang kumalat kung saan sinabi na infected ng virus ang ilan sa mga evacuee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?