93

By

Bus, bumulusok sa bangin sa India, 48 pasahero patay

Sharing is caring!

Mahigit 48 katao ang kumpirmadong nasawi nang mahulog ang isang bus sa bangin sa hilagang India.

Ayon kay Chief Minister Trivdendra Rawat, dumausdos ang bus sa bangin na may lalim ng 213 metro malapit sa Himalayan foothills.

Dose-dosena naman ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Apatnapu’t walong katao ang narekober sa pinangyarihan na aksidente.

“People were packed like sardines,” sabi ng police officer na si Jagat Ram Joshi.

Nahirapan naman magsagawa ng retrival operation ang mga rescuers dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sabi sa report, 28-seat lang ang kapasidad ng bus subalit mahigit 60 katapo ang sakay nito.

Hindi pa malinaw kung ang dahilan ng pagbulusok ng bus sa bangin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?