85

Jan 12, 2021 @ 15:28
By

Burol ni Royette Padilla para lang sa pamilya

Pribado ang naging burol ng dating aktor na si Royette Padilla ayon sa mga kapatid nitong sina Robin Padilla at BB Gandanghari.

Pumanaw si Royette sa edad sa 58 noong Sabado, Enero 9.

Ayon sa ulat, “cardiac dysrhythmia” ang ikinamatay ng aktor.

Bumida ang dating aktor sa mga pelikulang Mistah noong 1994, Buhay Kamao noong 2001 at Alab ng Lahi noong 2003

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?