127

By

Burol ni Eddie Garcia, bukas sa publiko

Nasa Chapel 3 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City na ang urn na naglalaman ng abo ni Eddie Garcia.

Nagsimula umano ang public viewing para sa mga fan ng beteranong aktor alas-tres ng hapon nitong Biyernes, June 21.

Ayon sa interview sa pamangkin ni Garcia na si Ver Garcia Lamiel sa ANC, taong 1996 pa bumili ang aktor ng urn para kapag namatay umano ay diretso na ito sa cremation.

Namatay noong June 20 si Garcia matapos halos dalawang linggong ma-coma dahil sa neck injury nang maaksidente sa shooting ng TV series ng GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?