54

Oct 12, 2017 @ 11:32

Burol ng utol ni Nadine, strictly for family members only

By ERIC JOHN SALUT

AS I write this, wala pang taga-entertainment media ang nakakausap si Nadine Lustre o sino man sa pamilya nito tungkol sa pagpapakamatay umano ni Ice Lustre. Naiintindihan naman namin ang nararamdaman ng isang nagdadalamhating pamilya. Kahit ang viewing ay strictly for family members only.

Kahit naman malapit kami kay Nadine, lalo na sa mom nito na si My Lustre, hindi na kami nagtangkang magpaalam kung maaari ba kaming makibisita sa lamay. We totally understand the situation.

Nag-trending sa social media ang #KeepGoing post ni Nadine sa kanyang Instagram account. Simbolo ito ng pagsuporta kay Nadine sa mga taong may mabigat na pinagdadaanan sa buhay.

Nadine may still be in total shock and loss, but in time, she can speak freely about depression. And for someone who experienced, it, she can be an advocate to the cause.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?