38

By

BURI, tablado sa hirit na pulong kay Duterte

Sharing is caring!

Ibinasura ng Malacañang ang kahilingan ng mga opisyal ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) na makipagkita at makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang BURI ang service provider ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) na kinansela ang kontrata dahil sa palpak na operasyon at serbisyo ng mga MRT trains.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang dahilan para pagbigyan ang kahilingan ng BURI dahil kanselado na ang kontrata nito sa gobyerno.

Habang wala pang nakukuhang kapalit sa BURI, sinabi ng kalihim na pansamantalang iti-takeover ng gobyerno ang maintenance ng MRT.

“We find no reason to have the requested meeting. We have already canceled the contract with BURI and the government decided to meanwhile take over the maintenance of MRT,” ang pahayag ni Roque.

Matatandaang sa nakalipas na ilang taon ay halos araw-araw nakakaranas ng kapalpakan ang operasyon ng MRT-3 na ang higit na nagdurusa ay ang mga pasahero nito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?