52

Dec 26, 2017 @ 15:50
By

BURI, blacklisted na sa mga bidding – DOTr

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na kailanman makakasama sa anumang transaksyon ang Busan Universal Rail Inc. (BURI) at iba pa nitong miyembro sa malaking bidding para sa Systematic Rail Replacement Project ng MRT-3, Maintenance Contract para sa LRT-2, at Restoration of Four Train Sets Project.

Ito ay kasunod ng isiniwalat ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Representative Jericho Nograles na kasama pa umano ang mga bidders na ito sa malakihang bidding ng ahensya.

Paliwanag ng DOTr, malaking pagkakamali ang inihayag ng mambabatas dahil sa una pa lang ay hindi na sila kumpiyansa sa naging sistema ng Busan Transportation Corporation at Edison Development & Construction kaugnay sa kalagayan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Hindi na umano sila kuntento sa serbisyo ng Busan at Edison dahil sa kaliwa’t kanang aberya ng tren at mga batikos mula sa commuters .

“BURI and its joint venture members, which include Busan Transportation Corporation (Busan) and Edison Development and Construction (Edison), are disqualified from participating in the bidding of government projects, which is a consequence of the termination of BURI’s contract for the maintenance of Metro Rail Transit (MRT-3) due to poor performance and breach of contractual obligations, which took effect last 6 November 2017,” batay sa press statement na inilabas ng pamunuan ng DOTr.

Hindi umano kailanman makakasama ang Busan at Edison sa bidding dahil kasama na sila sa nai-blacklist ng ahensya.

Kahit na umano nagpadala pa sila ng mga requirement para sa bidding ay hindi nangangahulugan na makakasama sila sa bidding dahil may mahabang proseso pa para makasama sa bidding ang isang kumpanya.

Nabatid na ilang kontraktor na ang nagkukumahog sa magaganap na bidding sa mga nakahanay na proyekto ng DOTr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?