64
Buong Mindanao idineklarang election hotspot
By

Buong Mindanao idineklarang election hotspot

Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na election hotspot ang buong rehiyon ng Mindanao.

Ginawa ang anunsiyo ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ang mga banta ng mga miyembro ng New People’s Army, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group at iba pang bandido ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front.

Maliban sa Mindanao, kabilang sa hotspots ang mga bayan ng Jones sa Isabela at Lope de Vega sa Northern Samar at buong lalawigan ng Abra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?