6

Sep 2, 2020 @ 10:03
By

Buntis patuloy sa pagiging health worker: Paano na ang pasyente?

Ilang beses mang pahintuin ay nagpapatuloy pa rin sa pagiging COVID-19 frontliner ang isang buntis na nurse.

Kwento ni Karmi Erika Abunan, 33, gusto niya kasing matulungan ang mga pasyente kahit pa bulnerable siya na madapuan ng virus.

“Alam sa work place ko kung ilang beses ako pina-stop. Sabi ko sa kanila, trabaho nga po namin iyon at ‘Paano yung mga patient namin?’,” wika ng nurse sa CNN Philippines.

“Hindi porket nakakangiti pa po kami [ay] hindi kami napapagod,” dagdag niya.

Samantala, may isa pang nurse na naging trending kamakailan dahil kahit late na sa trabaho ay tinulungang manganak ang isang homeless sa Barangay Bangkal, Makati.

Wika ni Lorraine Pingol, 29, “There’s no other person to help them kundi ako…Saka nurse din naman ako. May sinumpaan kami.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?