47

By

Buntis nanganak habang nasa gitna ng trapik sa EDSA

Sharing is caring!

Iniluwal ng isang 26-anyos na ina ang kanyang sanggol habang ipit ang sasakyan sa gitna ng trapik sa EDSA, Sabado nang gabi.

Saad ni Cheoui de Leon sa ABS-CBN News, hindi siya makapaniwala na posible itong mangyari sa tunay na buhay

Papunta na sana sa Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital sa Kamuning Road, Quezon City si Cheoui kasama ang kanyang asawa dahil sa nararamdamang pananakit ng tiyan.

Ngunit habang nasa kasagsagan ng trapik sa EDSA, biglang pumutok ang panubigan nito at lumabas ang sanggol sa loob ng sasakyan.

Nagulat ang staff ng ospital sa nangyari at agad na inaksiyunan ang kakaibang panganganak.

Pinangalanang Sabrina Leaouis ang kanilang bagong baby na isinilang bandang 7:30 pm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?