80

Oct 17, 2017 @ 13:36

Buntis nagbayad ng shabu sa karinderya

Arestado ang isang isang dalawang-buwang buntis matapos magbayad dumano ng shabu sa isang karindera sa Calamba, Laguna

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, kumain ang suspek na si Rozelle Bartolome, 24, sa isang karinderya at nang matapos, inalok nito tindero ng shabu bilang kabayaran sa kanyang mga kinain.

Sa takot naman ng tindero, agad itong nagsumbong sa pulisya at sa follow-up operation, nasukol ang dalawang buwang buntis na si Bartolome.

Sabi ni Bartolome, wala umano siyang pera ng oras na iyon kaya naisipan niyang alukin na lang ang tindero ng shabu para sa kanyang mga kinain.

Humingi naman ng paumanhin ang suspek sa kanyang nagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?