40
ABANTE tiklo jail arrested crime girl theft
By

Buntis na tulak, timbog sa buy-bust sa QC

Sharing is caring!

Arestado ang isang buntis na tulak ng droga sa isang buy-bust operation sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Batasan Police, dinakma nila ang suspek na 4 na buwang buntis matapos na bentahan ng droga ang isa nilang poseur buyer sa Republic Avenue, Barangay Holy Spirit.

Nakumpiska mula sa 26 anyos na suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Batasan Police, notoryus na tulak ng droga ang buntis sa nasabing lugar.

Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?