57

Jun 20, 2020 @ 15:02
By

Buntis na OFW umuwi ng Ilocos Norte, nagpositibo sa COVID-19

Na-test na positibo sa coronavirus disease 2019 ang buntis na OFW na nagmula sa United Arab Emirates at umuwi sa kanyang hometown sa Solsona, Ilocos Norte.

Ayon kay Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc sa ulat ng PNA, ang OFW ang ikaapat na kaso ng COVID-19 sa kanilang probinsya.

Isa siyang 30-anyos na babae mula sa Barangay Catangraran.

Isinailalim siya sa quarantine sa Pampanga nang dumating sa Pilipinas mula UAE.

June 15 nang makauwi siya sa Solsona saka dinala sa Ligtas COVID-19 facility.

Nakaranas siya ng preeclamptic kaya dinala siya sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City kung saan isinagawa ang caesarian operation at swab testing.

Lumabas na positibo siya sa virus noong June 17.

Agad na ini-lockdown ni Mayor Joseph de Lara ang quarantine facility ng kanilang bayan habang inihiwalay ang mga taong nakasalamuha ng pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?