50

Jun 19, 2020 @ 21:27

Buntis na OFW galing UAE may coronavirus

ISANG buntis na Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa United Arab Emirates (UAE) na bumalik sa kanyang bayan sa Solsona, Ilocos Norte ang positibo sa coronavirus disease-19 (COVID-19), ayon kay Ilocos Norte Gov. Matthew Joseph Manotoc.

Sa isang pahayag mula sa paglulunsad ng molecular laboratory for Covid-19 testing at the Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) sa Batac City, sinabi na ang pasyente ay isang 30-anyos na babae mula sa Barangay Catangraran at siya ay tinawag na IN-C4 patient.

Ang nasabing OFW ay naka-quarantine sa isang pasilidad sa Pampanga mula sa UAE at siya ay nakarating sa Solsona noong June 5 at dinala sa Ligtas COVID-19 facility.

Ang nasabing pasyente ay nalamang nagpositibo sa virus noong June 17.

Dinala ito sa MMMHMC kung saan sumailalim siya sa caesarian na operasyon at swab test. (Allan Bergonia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?