36
npa
By

Buntis na NPA, inabandona ng mga kasapi sa Bukidnon

Sharing is caring!

Tumakas na at inabandona pa ang isang buntis na kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army Terrorists makaraang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng 8th Infantry Battalion (8IB) at mga terorista, Sabado ng hapon sa Sitio Ulayanon, Impasugong, Bukidnon.

Naganap ang bakbakan bandang alas 2:00 Sabado ng hapon sa magubat na bahagi ngSitio Ulayanon, sakop ng Barangay Kalabugao at doon na nahuli si Susan Cabusao Guaynon, 22-anyos, limang buwang buntis at nagtamo ng sugat sa katawan, partikular na sa ulo.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo habang isang rebeldeng buntis lamang ang nahuli dahil sa ito ay sugatan at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan matapos dalhin sa pagamutan.

Narekober ng mga sundalo mula sa iniwan ng mga rebelde ang dalawang AK47 rifles; isang AR18 rifle; cal. 30 M1 Carbine rifle; M4 rifle; air gun; at 30 backpacks na naglalaman ng mahahalagang dokumento at personal na gamit.

“We will inform the direct family of Susan and will see to it that she receives the medical treatment needed in coordination with the local government of Impasugong and the province of Bukidnon. It is to show that the government respects Human Rights and International Humanitarian Law.” Ayon kay Lieutenant Colonel Ronald Illana, Commanding Officer ng 8th Infantry Battalion.

Nabatid na nakatutok sa ngayon ang 403rd Infantry Brigade sa kanilang Military Operations kaugnay sa banta sa kaligtasan ng mga residente sa nasabing lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?