39

By

Buntis na nagsampa ng kaso vs pulis, kritikal sa pamamaril

Nasa malubhang kondisyon ang isang 16-anyos na buntis matapos barilin ng riding in tandem sa labas ng Hall of Justice sa Cagayan de Oro City Martes ng umaga.

Ang biktima na sadyang hindi na pinangalanan ay binaril ng isa sa riding in tandem habang papatawid sa labas ng CDO City Hall Branch 22 na matatagpuan sa kahabaan ng Mastersons Avenue, Upper Carmen ng nabatid na lungsod alas-9:00 ng umaga, Nobyembre 12.

Ayon kay Carmen Police Station Commander Police Major Ian Borinaga, kasama ng biktima ang ina at lola galing ng korte nang hintuan sila ng mga suspek at barilin ang dalagita na nagtamo ng tama ng bala sa kanang leeg.

Nanggaling umano ang biktima sa arraignment ng kasong acts of lasciviousness na isinampa niya sa dating amo na isang Police Major, na hindi muna pinangalanan.

Dating kasambahay ng pulis ang biktima na umano’y minolestiya niya.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang mga posibleng motibo sa pamamaril at isa sa mga ito ang nasabing police major.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?