562

Aug 22, 2019 @ 13:29
By

Buntis na baboy, ni-rape sa Aklan?

Tila walang sinanto ang isang lalaki matapos makitang hubo’t hubad sa kulungan ng isang buntis na baboy.

Ayon sa Unang Balita, nakarinig umano ng kaluskos sa kulungan ang may-ari ng baboy bandang madaling-araw.

Nang i-check ng amo ang kulungan ng kanyang alagang baboy, nakita umano niya ang isang lalaki na hubo’t hubad at biglang kumaripas ng takbo nang makita siya nito.

Ayon sa may-ari, posibleng nahalay ang kanyang alagang baboy at nangagamba na maapektuhan ang supling nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?