5

Jul 27, 2020 @ 20:11
By

Buntis galing Metro Manila, unang COVID case sa El Nido

Nakapagtala ng unang kaso ng coronavirus disease sa El Nido, Palawan.

Isang 27-anyos na buntis na na-stranded sa Metro Manila, ang unang COVID patient sa nabanggit na bayan.

Dumating sa El Nido ang babae noong July 11 sakay ng MV May Lilies, ayon kay health officer Dr. Marian Relucio sa ulat ng Inquirer.

Inihatid na ang pasyente sa isang isolation facility para mamonitor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?