7

Nov 28, 2020 @ 10:14
By

Buntis evacuee sa Rodriguez, Rizal, sapol ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang buntis na evacuee sa Rodriguez, Rizal.

Sa report ng ‘Saksi’, kinailangang pilitan ng mga health frontliner ang mister ng naturang buntis para mapapayag na madala ang kanyang misis sa quarantine site.

Ang babae ang ika-siyam na nagpositibo sa COVID-19 sa evacuation center sa Rodriguez sa isinagawang RT-PCR testing.

Samantala, wala nagnegatibo naman ang iba pang kasama nito sa kuwarto sa antigen testing.

Nasa 8,000 katao ang nananatili sa naturang evacuation center matapos tumama ang bagyong Ulysses sa Rodriguez, Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?