48

Feb 16, 2020 @ 18:32
By

Buntis dedo sa Taguig: Asawa, ama sugatan

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Taguig Police kaugnay sa pamamaril at pagpatay sa isang anim-na-buwang buntis at pagkasugat ng kanyang asawa at ama, Linggo ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Michelle Sarsalego, 28-anyos, habang sugatan naman ang mga kasama niyang asawa at ama habang sakay ng van na patungong Pasig City para bumili ng mga gulay.

Ayon sa report ng Taguig Police, apat na armadong lalaki na nakasakay ng motorsiklo ang nagpaulan ng mga bala sa kanilang van sa Barangay South Signal, Taguig City bandang 5:00 ng madaling araw, Pebrero 16.

Nabatid na nakatatanggap ng banta sa buhay ang mga biktima kung saan posibleng kinaiinggitan sila sa kanilang maunlad na negosyong pagtitinda sa palengke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?