130

Sep 26, 2019 @ 22:49
By

Buntis arestado sa pagnanakaw ng panty

Naiyak na lang at hindi na nakapalag ang isang 23-anyos na babae matapos siyang mahuli ng security guard sa pinagtatrabahuhan niyang mall na nagnakaw ng panty na halagang P149.

Depensa ng suspek na itinago sa pangalang Daisy sa Mabolo Police Station sa Cebu, hindi niya ninakaw ang mga panty.

Ayon sa ulat, nahuli si Daisy noong hapon ng Setyembre 24 na nagnakaw ng pares ng underwear sa kanyang section.

Depensa ni Daisy, gagamitin lang niya ang mga panty para pamunas ng kanyang kilikili dahil nakalimutan niya ang kanyang panyo.

Nagulat na lang siya nang komprontahin ng kanilang security guard.

Humingi man ng tawad, desidido ang pamunuan ng mall na ituloy ang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?